Thursday, June 17, 2010

Bike! I Like! :D

Naganap ang first day ng 2-day training ng CPU ngayong araw. Marami akong natutunan, pramis. Ung mga tanong na matagal ko nang hinahanapan ng kasagutan, nasagot ngayong araw. :)

Tanghali kanina nung lumabas sila Kuya Dante para bumili ng ulam. Nainggit ako nung hiniram nya ung bike ni Dadi Nyork.Ü Tinanong ko tuloy nun si Dadi Nyork kung dadalhin nya ba ung bike nya pauwi o iiwan nya muna sa opis. Sabi nya, iiwan nya raw.. kaya nagpaalam ako kung pwede ko rin hiramin. :D Okay naman daw, kaya nag-decide akong mag-bike bukas ng maaga.Ü

Pagkatapos ng maghapong training, nagkanya-kanya na kami ng mga gawain.Ü Nabanggit ni Leon na mag-jjog daw sila nila Loi.. na nabanggit din ni Harry, kung saan sasama rin daw si Rog.Ü Nagbiro ako kung pwedeng sumama, tapos mag-bbike lang ako, hehe. Okay naman kay Leon ang ideya. Pero, napaisip ako.. kasi kung magbbike ako, medyo malayu-layo rin ang UP mula sa opis, at hindi ko alam ang daan (I mean, alam ko pumunta ng UP, pero shempre ang daan ko eh sa daanan ng mga tao, hindi sa daanan ng mga sasakyan, diba.Ü) So wala akong idea, sakaling mag-bbike ako, kung saan dadaan. Bakit, pwede bang idaan ang bike sa footbridge? (Oo, pwede naman, kung may lakas kang buhat-buhatin ung bike paakyat at pababa.:D)

Tinuruan ako nila Ate Mabel ng instruction kung saan-saan ang mga pwedeng daanan. Na-gets ko naman, pero shempre di maaalis sakin na kabahan kasi unang beses ko un tatahakin with the bike, tapos mag-isa pa. :S

Lumipas ang kulang-kulang isang oras, nagyaya na si Leon pa-UP. Akala ko di nya seseryosohin ung pagsama ko.. ako kasi nag-aalangan din talaga. Pero dahil sa sobrang excitement kong makapag-bike na, nag-decide akong sumama na rin (though kinakabahan talaga 'ko sa gagawin ko).

Sabay kaming umalis ni Leon. Naghiwalay kami pagdating sa Katipunan. Sumakay sya, ako naman nag-bike na. Tinahak ko ang kalye mula opis pa-Katipunan at mula sa Katipunan diretsong UP. Nung una hyper pa 'ko, ilang taon na rin kasi mula nung huli akong nag-bike. Sa kalagitnaan ng byahe ko, nagsimula akong mapagod. Dun ko na-realize na di man lang ako nakapag-stretching muna bago umalis, tsk. Gusto kong humintu-hinto, pero inisip ko naghihintay na sila Rog at Loi sa Vinzons Hall (at baka pati si Leon na rin).. kaya kelangan kong bilisan. Ilang metro pa ang tinahak ko, nagsimula naman akong mauhaw. Dun ko naisip na bakit ba hindi ko dinala ung tumbler ko, hays.

Pagkarating ko sa UP, nag-park (nag-park?Ü kotse?Ü) ako sa harap ng Vinzons Hall. Tinext ko agad si Leon at Rog, kahit sobrang nanginginig pa ang mga kamay ko sa pagod at naghahabol pa 'ko ng hininga. Ilang minuto ang nagdaan, walang reply ang magkatambal.Ü May narinig akong boses mula sa second floor ng hall.. parang boses ni Loi. Iniwan ko muna ung bike malapit sa nagbabantay na jaguar, tapos umakyat ako sa taas. There I found Loi and Leon. Nandun din pala si Rog, bising-busy sa pag-aayos sa mga kasamahan nyang hindi ko alam kung naghahanda for a show o nagppraktis lang.

Di ko na matiis ang uhaw, kaya napabili ako ng tubig. Ilang sandali pa, nagkayayaan nang simulan ang jogging (nila.Ü). Inihabilin ko muna kay Anton ung bottled water, wala naman kasing basket ung bike para paglagyan ng kung anu-ano. :D Nanguna sa takbuhan ang super focus na si Loi, nakasunod si Leon (na seksing-seksi kung mag-jog :P), at si Rog with her newly-bought rubber shoes.Ü Matapos kong maikot ang acad oval, naisip kong tama na muna. Sila kasi, pag natapos sila sa trip nila, sasakay na lang sila pauwi. Eh ako? Mag-bbike pa 'ko! Pambihira, naawa naman ako bigla sa sarili ko. xD

Naupo na lang ako sa lobby ng Vinzons at hinintay silang matapos. Si Leon ang naunang bumalik, na sinundan ni Rog.. at ni Loi (na natapos din mag-jog after years. lol). Nagpahinga ang lahat at nagbihis.. pwera sakin na sasabak pa ulit sa pagpapapawis. Tingin ko satisfied naman sila sa exercise nila ngayong gabi, though si Rog eh pagkain pa rin ang concern just 10mins after the jog. Haha. Sayang di nakasama si Harry, may pasok kasi sya, huhu. :'(

Uwian na. Lahat sila pa-SM North. Ako naman, pabalik na ulit ng opis. Muntik pa 'kong maligaw nun! Sa pagkakaalam ko kasi, ung kalyeng pinuntahan ko para makalabas eh un din naman ung kalyeng dinaanan ko papasok ng UP! Sobrang dilim, kaya siguro di ko na na-distinguish ung mga daan. :S Buti na lang may jaguar akong nakasalubong, at tinuro ang daan palabas (daang hindi ko naman dinaanan kanina nung nanggaling ako sa Katipunan). Anyways, nakalabas naman ako ng UP. At nakabalik ng ligtas sa opis. ^^,

Aun, sobrang na-miss ko ang pag-bbike!:D Nabigla nga lang yata ako, kaya sobrang pagod ng katawan ko at ansakit ng pwet ko ha, hahaha. Sana makabili rin ako ng sariling mountain bike at helmet, hehe.


Susunod ay ang request ni Marj for a biking tutorial.. abangan. xD



No comments: