Wednesday, June 30, 2010
Birthday greeting sa'kin nung Jan 24, 2010.. NGAYON KO LANG NAPASALAMATAN! June 30, 2010 na ngayon, grabe! :O http://ow.ly/24OFn
Tuesday, June 29, 2010
Monday, June 28, 2010
Pera
Pera. Pera ang sanhi ng kalakhan ng suliranin sa paligid: kawalan/kakulangan ng edukasyon, kawalan ng tirahan, kakulangan sa pananamit, pagkagutom -- na sya ring sanhi ng talamak na krimeng nagkalat sa kahit saang dako ng bansa. Pinakamalala, ng mundo.
Ilang araw na akong tinatawagan ng aking ina. Pilit nyang iniaalok ang trabahong gustong ibigay sa akin ng isa sa mga pinsan ko. P18,000 ang sahod kada buwan, bilang call center agent. Magandang oportunidad kung tutuusin. Uupo ka lang at sasagot ng tawag, presto! May labinwalonlibompiso ka na agad.
Sa ilang beses na pagtawag na 'yon ng aking ina, ilang beses ko rin syang tinanggihan. Umaabot sa puntong nagkakasagutan kami, nagkakataasan ng tono. Kasabay ng mga pagkakainitang iyon ay ang paulit-ulit kong pagpapaliwanag kung bakit ayokong iwan ang trabahong meron ako ngayon... na alam kong naiintindihan nya. Kakalma ang usapan, mapupunta sa kamustahan. Pero ilang araw ang lilipas, nandyan na naman ang tawag.
Pera. Pera ang sanhi ng pangungulit ng aking ina na tanggapin na ang alok ng aking pinsan. May bahay kaming binabayaran, tubig, kuryente, pagkain sa araw-araw, pamasahe at baon ng dalawa kong kapatid, atbp... at wala itong ipinagkaiba sa suliranin ng mga pamilyang payak lang din ang pamumuhay. Naiintindihan ko naman. Alam ko 'yon. Hindi ako bulag para hindi ko makita ang kalagayan ng aming pamilya ngayon -- kalagayan matapos maghiwalay ang aking mga magulang noong nakaraang buwan lang.
Bakit nga ba hindi ko pa tanggapin ang trabahong 'yon nang matapos na ang pangungulit ng aking ina? Bakit nga ba hindi ko pa kagatin ang libu-libong piso na 'yon kada buwan nang makaluwag-luwag na ang aking pamilya?
Bayan. Bayan ang mas gusto kong paglingkuran kaysa sa mga naglalakihang kompanyang humahawak sa leeg ng mga manggagawa. Bayan ang mas gusto kong kausap kaysa sa mga dayuhang gumagamit ng mga banyagang salita. Tawag ng bayan ang mas gusto kong sagutin kaysa sa tawag ng mga dayuhan. Malalim na suliranin ng bayan ang mas gusto kong pakinggan at solusyonan kaysa sa mabababaw na problema ng mga dayuhang kliyente.
Labin-walong libong piso kada buwan, habang ika'y empleyado ng banyagang kompanyang pinasukan mo. Hanggang kailan mo kailangan ng matitirahan? Hanggang kailan mo kailangang manamit? Hanggang kailan mo kailangang kumain? Ang sagot: Habambuhay. Tanong pa: Hanggang kelan ka naman kaya yayakapin ng banyagang kompanyang nag-eempleyo sa'yo? Sagot: Hindi habambuhay.
Aasa na lang ba tayo sa mga hanapbuhay na inilalako ng mga kompanyang primaridad na pinanghahawakan ng mga dayuhan? Isusubo na lang ba natin ang mga trabahong nasa gintong kutsara ng mga banyaga? Panawagan ko: Magtanim tayo.
Labin-walong libong piso kada buwan para sa kaginhawaang makakamit ng aking pamilya. Hindi na namin poproblemahin ang bahay na aming titirahan. Magkakaron kami ng masasarap ng pagkain sa aming hapag-kainan. Makakabili kami ng mga damit at gamit. Magiging masaya ang pamumuhay ng aming pamilya sa loob ng tirahang may kumpletong pasilidad. Napakasarap sa pandinig. Nakakagalak. Nakakataba ng puso.
Mga kapwa mamamayang walang masilungan, walang maayos na pananamit, wala halos makain... ito ang sasalubong sa akin paglabas ko ng bahay. Maganda ba sa paningin? Nakakagalak? Nakakataba ng puso? Mag-isip tayo.
Oo, hindi na uso ang pagpapakabayani sa mga panahong 'to. Marami nang kumwestiyon sa biglaang pagpapalit ng pananaw kong 'to. Marami na ring nag-alok sa akin ng monumento, isama nyo na ang tatay ko. Salamat, salamat... pero hindi monumento ang kailangan ko. Pagbabago. Kung iisa-isahin ko ang mga pagbabagong 'yon, hindi matatapos ang akdang ito. Hindi naman na lingid sa ating mga kaalaman ang umaapaw na suliranin ng ating sistema.
Sabi nga nila, kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo 'yon sa sarili mo. Gusto ko ng pagbabago, kaya ako nagbago. Di pa man ganun kalaki ang naiaambag ko para baguhin ang sistemang umiiral, naniniwala akong sa pamamagitan ng pagsisimula kong 'to, makakamit din natin ang pagbabagong ninanais ng lahat.
Hindi ko ipagbibili sa halagang labin-walong libong piso kada buwan ang pagnanais kong makatulong sa nakararami. Hindi ko iniiwan ang pamilya ko. Isanasama ko lang ang pagsasaalang-alang sa marami.

Sunday, June 27, 2010
Saturday, June 26, 2010
I got new spoon from Ate Reileen! WEE! (^^,)/ I so love you Ate Rei! Muah! Muah! Muah! ^^, Sarap nung pasta!:D (puttanesca ba un? or ibang luto?) Sayang di ko na-try ung fried wrapped dishes mo. xD Salamat din sa iMissYouLikeCrazy movie na talaga namang tinutukan namin! Hahaha! :)) Hanggang sa muli! Happy birthday ulit!Ü Mmmmuah! :* ^^, http://ow.ly/23CBr
GREAT MORNING!!! :D I'm gon see my babies today! Wee!!! :D Post-Election IT Conference later @ UP Diliman. AYEAH! xD http://ow.ly/23tCF
Friday, June 25, 2010
Thursday, June 24, 2010
Wednesday, June 23, 2010
Tuesday, June 22, 2010
Monday, June 21, 2010
The UP Walking/Jogging/Biking Activity Part 2
Nairaos naman ang walking/jogging/biking activity kanina, though late ako nakarating (7pm na ata.. 5pm ang usapan). Tagtag sa byahe mula Parañaque, isang maling desisyon ata ang pag-uwi ko pa sa opis at pag-bike ko papuntang UP. Naka-tatlong hinto ako along Katipunan-UP road, at mangiyak-ngiyak ako habang pumipidal. "Dapat kasi nag-commute na lang ako" -- na na-realize ko nung nangalahati na 'ko sa byahe. Halos isumpa ko ang mga pataas na part ng kalsada pa-UP (at pabalik), grabe.
Tatlo lang kami nila Harry at Leon na dumating. Si Loi, nasa Valenzuela. Si Rog, nasa byahe pabalik ng menila. Si Miss Meggie, pass daw muna.. titigil daw muna sya sa pag-yyosi, hehe. Si Kiko, walang reply.. kagabi pa.
Pagkauwi ko kanina, gustung-gusto ko na maligo agad, pero sabi ko magpapahinga muna 'ko dahil ayoko naman mamatay ng maaga. Pagkatapos kong magpahinga, inisip kong maligo pagkatapos na lang namin kumain ni Harry. Nang matapos na kaming kumain, tinamad na 'kong maligo. "Okay, bukas na nga lang ako maliligo." Lumipas ang mga oras, inantok na 'ko. Pagkatapos maihanda ang tutulugan, shempre matutulog na dapat. Kaso, para 'kong sinusuka ng higaan! Amf! Wala 'kong nagawa kundi bumangon at mag-wash up! Grrr.
(Marj, bili ka na ng against-wounds-and-scars protection mo for our biking tutorial, haha. Joke lang. Actually di ko pa naranasan magturo ng pag-bbike, sa'yo pa lang.. kaya gudlak satin, hahaha. xD Loi at Rog, bawi kayo ha! :P)
Aun lang. Goodnight!

Sunday, June 20, 2010
Saturday, June 19, 2010
Friday, June 18, 2010
Thursday, June 17, 2010
The Memories, Oh...
Last part of the video wasn't cut, hoho! And the pacing is a bit fast, coz we really intended to include vast amount of pics.
This video was created amid 28th and 29th of May 2009, as we decided to make a presentation for the next morning. Together with Meih, Alexis, and Martin, we almost did not sleep just for this video to get done! We stayed @ Dadi Nyork's place, where just blocks away is Jackie Rice's house. Haha!
The 29th is our graduation, CPU interns' graduation. (Btw, we're the first batch of CPU interns: Meih, Alexis, Martin, Mondz, Mark, and Oyo. We're the CPU internship's "guinea pigs", as what they would always want to call us, grrr.Ü) The celebration was so memorable, you can see it in our pics. ;D
In A Nut Shell: During our one-month training period, everything just went soooo so right -- the lecture discussions and workshops (for the technicalities), the priceless events that we're able to attend, the people we met, the lessons we've learned (so much of it), the everyday bonding experience, the food and sound trips, the laughs, the stories, and all! We never had dull moments together. Each day starts with fun, and also ends with it. Haaaaay, seems like it just happened yesterday. You might want to ask how did we get into CPU's internship. Well, read my blog (way back 28april2009), hehe.
So there, I just wanna share this vid (and the story). It's nostalgic. Grrr.Ü
Bike! I Like! :D
Naganap ang first day ng 2-day training ng CPU ngayong araw. Marami akong natutunan, pramis. Ung mga tanong na matagal ko nang hinahanapan ng kasagutan, nasagot ngayong araw. :)
Tanghali kanina nung lumabas sila Kuya Dante para bumili ng ulam. Nainggit ako nung hiniram nya ung bike ni Dadi Nyork.Ü Tinanong ko tuloy nun si Dadi Nyork kung dadalhin nya ba ung bike nya pauwi o iiwan nya muna sa opis. Sabi nya, iiwan nya raw.. kaya nagpaalam ako kung pwede ko rin hiramin. :D Okay naman daw, kaya nag-decide akong mag-bike bukas ng maaga.Ü
Pagkatapos ng maghapong training, nagkanya-kanya na kami ng mga gawain.Ü Nabanggit ni Leon na mag-jjog daw sila nila Loi.. na nabanggit din ni Harry, kung saan sasama rin daw si Rog.Ü Nagbiro ako kung pwedeng sumama, tapos mag-bbike lang ako, hehe. Okay naman kay Leon ang ideya. Pero, napaisip ako.. kasi kung magbbike ako, medyo malayu-layo rin ang UP mula sa opis, at hindi ko alam ang daan (I mean, alam ko pumunta ng UP, pero shempre ang daan ko eh sa daanan ng mga tao, hindi sa daanan ng mga sasakyan, diba.Ü) So wala akong idea, sakaling mag-bbike ako, kung saan dadaan. Bakit, pwede bang idaan ang bike sa footbridge? (Oo, pwede naman, kung may lakas kang buhat-buhatin ung bike paakyat at pababa.:D)
Tinuruan ako nila Ate Mabel ng instruction kung saan-saan ang mga pwedeng daanan. Na-gets ko naman, pero shempre di maaalis sakin na kabahan kasi unang beses ko un tatahakin with the bike, tapos mag-isa pa. :S
Lumipas ang kulang-kulang isang oras, nagyaya na si Leon pa-UP. Akala ko di nya seseryosohin ung pagsama ko.. ako kasi nag-aalangan din talaga. Pero dahil sa sobrang excitement kong makapag-bike na, nag-decide akong sumama na rin (though kinakabahan talaga 'ko sa gagawin ko).
Sabay kaming umalis ni Leon. Naghiwalay kami pagdating sa Katipunan. Sumakay sya, ako naman nag-bike na. Tinahak ko ang kalye mula opis pa-Katipunan at mula sa Katipunan diretsong UP. Nung una hyper pa 'ko, ilang taon na rin kasi mula nung huli akong nag-bike. Sa kalagitnaan ng byahe ko, nagsimula akong mapagod. Dun ko na-realize na di man lang ako nakapag-stretching muna bago umalis, tsk. Gusto kong humintu-hinto, pero inisip ko naghihintay na sila Rog at Loi sa Vinzons Hall (at baka pati si Leon na rin).. kaya kelangan kong bilisan. Ilang metro pa ang tinahak ko, nagsimula naman akong mauhaw. Dun ko naisip na bakit ba hindi ko dinala ung tumbler ko, hays.
Pagkarating ko sa UP, nag-park (nag-park?Ü kotse?Ü) ako sa harap ng Vinzons Hall. Tinext ko agad si Leon at Rog, kahit sobrang nanginginig pa ang mga kamay ko sa pagod at naghahabol pa 'ko ng hininga. Ilang minuto ang nagdaan, walang reply ang magkatambal.Ü May narinig akong boses mula sa second floor ng hall.. parang boses ni Loi. Iniwan ko muna ung bike malapit sa nagbabantay na jaguar, tapos umakyat ako sa taas. There I found Loi and Leon. Nandun din pala si Rog, bising-busy sa pag-aayos sa mga kasamahan nyang hindi ko alam kung naghahanda for a show o nagppraktis lang.
Di ko na matiis ang uhaw, kaya napabili ako ng tubig. Ilang sandali pa, nagkayayaan nang simulan ang jogging (nila.Ü). Inihabilin ko muna kay Anton ung bottled water, wala naman kasing basket ung bike para paglagyan ng kung anu-ano. :D Nanguna sa takbuhan ang super focus na si Loi, nakasunod si Leon (na seksing-seksi kung mag-jog :P), at si Rog with her newly-bought rubber shoes.Ü Matapos kong maikot ang acad oval, naisip kong tama na muna. Sila kasi, pag natapos sila sa trip nila, sasakay na lang sila pauwi. Eh ako? Mag-bbike pa 'ko! Pambihira, naawa naman ako bigla sa sarili ko. xD
Naupo na lang ako sa lobby ng Vinzons at hinintay silang matapos. Si Leon ang naunang bumalik, na sinundan ni Rog.. at ni Loi (na natapos din mag-jog after years. lol). Nagpahinga ang lahat at nagbihis.. pwera sakin na sasabak pa ulit sa pagpapapawis. Tingin ko satisfied naman sila sa exercise nila ngayong gabi, though si Rog eh pagkain pa rin ang concern just 10mins after the jog. Haha. Sayang di nakasama si Harry, may pasok kasi sya, huhu. :'(
Uwian na. Lahat sila pa-SM North. Ako naman, pabalik na ulit ng opis. Muntik pa 'kong maligaw nun! Sa pagkakaalam ko kasi, ung kalyeng pinuntahan ko para makalabas eh un din naman ung kalyeng dinaanan ko papasok ng UP! Sobrang dilim, kaya siguro di ko na na-distinguish ung mga daan. :S Buti na lang may jaguar akong nakasalubong, at tinuro ang daan palabas (daang hindi ko naman dinaanan kanina nung nanggaling ako sa Katipunan). Anyways, nakalabas naman ako ng UP. At nakabalik ng ligtas sa opis. ^^,
Aun, sobrang na-miss ko ang pag-bbike!:D Nabigla nga lang yata ako, kaya sobrang pagod ng katawan ko at ansakit ng pwet ko ha, hahaha. Sana makabili rin ako ng sariling mountain bike at helmet, hehe.
Susunod ay ang request ni Marj for a biking tutorial.. abangan. xD

Wednesday, June 16, 2010
Nayaya ako sa 7pm jogging nila Leon, Rog, at Loi sa UPD.Ü Naka-bike lang ako PAPUNTA'T PAIKOT NG UP, AT PABALIK NG KATIPUNAN! Whew!!! (Salamat sa bike mo Dadi Nyork). :D Matagal-tagal na rin akong di nakapag-bike! At hindi man lang pala ako nakapag-warmup bago sumabak sa byahe! Hooohh! Kapagod grabe! Magandang gabi.Ü *pant
Tuesday, June 15, 2010
First Day High!
I woke up @ 5am today and prepared for my school stuffs: binder, set of pens, pad paper, tumbler, etc. I was really excited coz after a long vacation, classes will now start again!Ü I took my bath quickly, coz Yna was waiting for her turn. Mom woke up earlier, so the breakfast was already served when I went out of the room. I just ate a piece of bread and an egg, then left right away coz I'm already late for class. When I reached school, I was so eager to fin'lly see my friends and chat with them.Ü And so the class started. Now let's get into the real story.
I woke up @ 5am today and prepared for my stuffs: actually it was just my bag and used clothes that i wore yesterday. I was really excited coz after a long vacation, classes will now start again, with the twist of the significant protest which was held early this morning. I took my bath quickly, coz Anton was waiting for his turn. Tita Stella (Leon and Anton's mom) woke up earlier, so the breakfast was already served when we went out from each room. I just ate a piece of bread and an egg, then we left right away coz we're already late for the said protest. When we reached the school (QCSHS), I was really excited coz that'll be my first time to witness a youth protest action (done by the Quezon City Science High School Alumni Association) against the return of their corrupt and ineligible former principal (Dr. Zenaida Sadsad). And so the protest action started.
Now my eyes are starting to get teary. I'm missing my schooling. I'm missing my schools. I'm missing the reason why I'm always excited to go to school -- that's the people I used to get along for always (studying is the next priority). I'm missing to disturb (like 400+) recipients with school announcements and FYIs that I send them every now and then. After the graduation, well, I felt no changes. It was like the same old vacation that happens every after each second semester. And now, it seems that it was just starting to sink in me that I'm already off from schooling (not studying). I'm missing my scholar state. :'(
For the past sixteen years of my existence, I've been used to my home-to-school-to-hangout-to-home routine. Now I'm facing a struggle on how to adjust with the life after that. It's hard to deal with it, but I have no choice... everybody's got no choice. What's helping is that I'm happy where I am and what I'm doing now.
Growing up sucks.

Monday, June 14, 2010
Wala nang mas sasarap pa pag ako ang nagluto.Ü (Sunny-side-up yan.. wag nyong kontrahin!) http://ow.ly/1XXtD
Sunday, June 13, 2010
Saturday, June 12, 2010
Friday, June 11, 2010
Thursday, June 10, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)