Sunday, July 11, 2010

Ikaw: Jejebuster o Jejebooster?

Alam nyo bang bago pa man ma-diskubre ang mga JEJEMON ay meron nang ortograpiya na gaya ng istilo nila? Ito ang LEET SPEAK (|337 sp34k), na orihinal na ginamit para sa computer hacking.

Ito ang kumpletong pagpapaliwanag ni Wikipedia:
http://en.wikipedia.org/wiki/Leet

At ito naman ang isa sa mga nagkalat na Leet Speak Translator sa internet:
http://www.albinoblacksheep.com/text/leet

Naalala ko kasi ang isang kwentuhan namin sa opis kung saan nabanggit ni Leon ang tungkol sa |337 sp34k. Lahat kami nun nagtanong kung ano yun, na tila ikinagulat din ni Leon kasi parang wala man lang nakakaalam sa amin ng tungkol dun. :D

Wala lang. Gusto ko lang sabihin na hindi original ang mga JEJEMON; na matagal nang na-diskubre ang paraan ng paggamit nila ng ganitong mga letra (1980s); na may mas malalim na dahilan ang paggamit ng ganitong istilo (computer hacking, etc); at na hindi dapat pagkaasar ang dulot nito sa mga mambabasa! (Sorry na, isa talaga ako sa mga Jejebuster kahit nung di pa man nauso ang Jejemons at, un nga, Jejebusters.Ü)
Nga pala, akala ko sa’kin magmumula ang term na “jejebooster”. Nag-isip kasi ako ng counter ng “jejemon”, tapos naisip ko un. Para i-check kung hindi pa nga released ang term na ‘yon (kasabay ng pag-ambisyon na makakapagpasikat ako ng isang salita), aun.. nakaka-dismayang may nailabas na mga resulta si kaibigang Gugel. :))

So pano, ako’y matutulog na… though hindi pa naman ako inaantok kasi mag-aalasdose na ‘ko ng tanghali kanina (kahapon) nagising. :D

Goodnight chüms! ;o)



P.S.
Korean laughter pala ang “kekeke”.

(So Korean sya Leon?Ü Hahaha, bagay naman! :D)
Hi Kiko! xþ

No comments: